Kahit saglit man lang Ika'y masilayan
Sa 'yo nga'y naghihintay, sa pag-big mo hihimlay
Diyos ang Siyang pinagmulan ating pagmamahalan.
Chorus:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan.
Hindi ako mapapagal, di malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal.
Puso'y h'wag mangangamba, pagkat wala na ngang iba,
At ako'y nakapako na sa'yo lamang, aking sinta
Nais kong malaman mo, hindi ako mahihiyang
Ipagsigawan sa mundong Mahal na mahal kita.
Chorus:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan.
Hindi ako mapapagal, di malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal.
No comments:
Post a Comment