Chorus:
Sinong walang kasalanan, malinis ang kalooban?
Siyang unang bumato, batuhin ang kapwa nyo
Oooh, ooooh
Larawan mo ang nais mong makita sa'kin
Huwag mo naman akong pilitin at sisihin
Diyos na may likha, Diyos na may gawa
Diyos na may akda ng buhay natin
'Di naninisi, 'di nanlilisik
Mata Niya'y puno ng pag-ibig
Chorus:
Sinong walang kasalanan, malinis ang kalooban?
Siyang unang bumato, batuhin ang kapwa nyo
Oooh, ooooh
Hindi ako nangungutya, ngunit wala akong magagawa
Diyos na may likha, Diyos na may gawa
Diyos na may akda ng buhay natin
'Di naninisi, 'di nanlilisik
Mata Niya'y puno ng pag-ibig
Larawan mo ang nais mong makita sa'kin
Huwag mo naman akong pilitin at sisihin
Bat di magmahalan, 'di mag-galangan, tuloy matulungan
Turuan ay iwasan, tayo'y magunawaan
Tungo sa tunay na kabanalan
Chorus:
Sinong walang kasalanan, malinis ang kalooban?
Siyang unang bumato, batuhin ang kapwa nyo
Oooh, ooooh
Sinong walang kasalanan
Larawan mo ang nais mong makita sa'kin
Huwag mo naman akong pilitin at sisihin
Pusong ligaw, isipan ay nagagalak
wala nang dati niyang tuwa, kawawa
Nakalulungkot kung siya'y inyong pagmamasdan
Ngunit maraming ganito sa ating lipunan
Sisisihin ang ating pamahalaan sa ganitong kalagayan
Ngunit anong ginagawa ng simbahan
Tayo'y ba'y tumutulong, o taga-puna lang?
Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita
Ano nang ginawa ng ating Panginoon
Sa mga nagdarahop, siyang tugon
Sa kanilang mga pangangailangan
Abot ng kanyang tulong, sa magdamag maghapon
Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita
Problema minsan sati'y sa malayo nakatingin
ibang bansa gustong
Hindi naman masama kung ating tong gagawin
Ngunit sana naman, unahin ang bansa natin
Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita
Di ko man makita ang kagandahan ng buhay ko
Dito sa ibabaw ng mundong magulo
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba
Kabiguan man lahat ng aking pangarap
Mahal ko sa buhay sa aki'y mawalay
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba
Chorus:
Pagkat aking alam darating ang isang araw
Pangarap ko'y matutupad
Walang sinumang hahadlang
Ito'y sadyang ibinigay ni Hesus sa akin
Walang hanggang kasiyahan doon sa kalangitan
At 'di pangarap lang
Sabihin man nilang ako'y isang panatiko
At pagtawanan nang dahil kay Hesu-Kristo
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba
Chorus:
Pagkat aking alam darating ang isang araw
Pangarap ko'y matutupad
Walang sinumang hahadlang
Ito'y sadyang ibinigay ni Hesus sa akin
Walang hanggang kasiyahan doon sa kalangitan
At 'di pangarap lang
Karapat-dapat Ka ngang sambahin
Karapat-dapat Ka ngang purihin
Ang 'Yong kabanalan ang Iyong katangian
Sa 'Yong pangalan lahat luluhod
Sa 'Yong pangalan may kagalingan
Sa 'Yong pangalan mayrong kaligtasan
Ikaw si Hesus ang manunubos
Chorus:
Sa 'Yong pangalan kami'y mananahan
Kahit na mundo'y puno ng kabiguan
Paligid man nami'y di na munawaan
Hesus Ikaw ay patuloy na papupurihan
Hesus Ikaw ang aming liwanag
Sa aming daraanang di maaninag
Matisod man kami sa aming daraanan
Sa 'Yong pangalan lahat luluhod
Sa 'Yong pangalan may kagalingan
Sa 'Yong pangalan mayrong kaligtasan
Ikaw si Hesus ang manunubos
Chorus:
Sa 'Yong pangalan kami'y mananahan
Kahit na mundo'y puno ng kabiguan
Paligid man nami'y di na munawaan
Hesus Ikaw ay patuloy na papupurihan
Hesus Ikaw ay patuloy na papupurihan
Ang pag-ibig natin tulad ng mumunting hangarin
Hirap at dalangin, sana’y marating
Tulad ng dalampasigan, alon nya’y haharapin
Ang pag-ibig natin may himig kaygandang awitin
Pagsaluhan natin, kaygandang damhin
Titik nito’y ako’t ikaw rin, habang buhay kakantahin
Chorus:
At narito, magaganap sa araw na ‘to
Pangarap natin, pag-ibig ay mabubuklod
Ang pag-ibig mo at ang pag-ibig ko
Sa kamay ng Diyos kaygandang ating ihandog
(Repeat verse 2 and chorus)
Bridge:
Matutupad sa atin ang dakilang layunin ng Diyos
Iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina
Lilisanin ng babae ang sarili nyang tahanan
(Repeat chorus)
Nagagalak, nagsasaya ang buong mundo
Mga nagmamahal sa inyo
Di ba’t kailan lang kayong dalawa ay nagtagpo
Isang hiwaga ngayon nga pasisimulan ninyo
Ang isang panibagong hakbangin
Kalakip ang aming dalangin
Maaasahan ang twina naming paglingap
Tutulungan, ano pa man ang inyong makaharap
Nagagalak, nagsasaya, nagbubunyi ang buong sandaigdigan
Ipinagdiriwang ang inyong pagmamahalan
Tanggapin ninyo, asahan ninyo sa pagdaan ng panahon
Pag-ibig namin at ang pagkalinga ng ating Panginoon
Nagagalak, ihahatid ng bulaklak
Sa landas na ngang inyong tinatahak
Nag-uumapaw ang saya sa’ming puso
Nagdarasal sa Maykapal - patnubayan Nya kayo
Ikaw at ako sa agos ng panahon
Ba’t di mo tingnan o hayaan na lang
Sinong nagbibigay ng ating saya
Mundo ba’y mahalaga higit sa ‘ting dal’wa
Chorus:
Sabihin mang di bagay
agwat natin sa buhay
Sinong pipigil kung Diyos ang may laan
Ano pa bang kailangan patunayan sa 'ting buhay
Bakit titigil kung ito’y laan
O ang pag-ibig sadyang iniaalay
Sayo itinatangi katumbas ng iyong buhay
Ikaw at ako sa agos ng panahon
Nasa palad nya ang buhay nating sinta
Bridge:
Tayo na mahal, damhin ang saya
Puso ay may laya na
Chorus:
Sabihin mang di bagay agwat natin sa buhay
Sinong pipigil kung Diyos ang may laan
Ano pa bang kailangan patunayan sa 'ting buhay
Bakit titigil kung ito’y laan
Sa lahat ng panahon Ikaw ay tapat
Di mo hahayaang araw di sumikat
Patak ng ulan, di malilimutan
Sa mga halaman at lupang tigang
Higit sa lahat, sa’yong mga anak
Sa mga biyaya Mo, tunay Kang sapat
Handa Kang lagi sa lahat ng oras
Ang ‘Yong mga palad laging bukas
Chorus:
Oh Hesus, tunay Ka ngang tapat
Pag-ibig Mo’y di masukat
Natatangi Ka, natatanging walang katulad
Katapatan Mo’y di kukupas
Pangako Mo’y di lilipas
Mananatili, mananatili hanggang wakas
Tulad ng samyo, ihip ng hangin
Nadarama kong Ika’y laging kapiling
O Panginoon, kay sarap isiping
Ang pag-ibig Mo’y hindi magmamaliw
Chorus:
Oh Hesus, tunay Ka ngang tapat
Pag-ibig Mo’y di masukat
Natatangi Ka, natatanging walang katulad
Katapatan Mo’y di kukupas
Pangako Mo’y di lilipas
Mananatili, mananatili hanggang wakas…
Ginto man ang binibigkas kong salita
Maging anghel sa tinig ko ma'y humanga
Batid ko man lihim ng bawat hiwaga
Sayang kung pag-ibig ay wala.
Handog ko man lahat nitong angking yaman
Kahit bawat dukha'y aking pamarisan
Ialay ma't sunugin itong katawan
Walang saysay kung 'di rin nagmahal.
Tunay ang pag-ibig
Kung may pagtitiis
Di nagmamapuri, banal at kay linis
May pag-asa at tiwala na hindi magwawakas
Ganyang pag-ibig ang alay sa 'yo.
Kagandaha'y lilipas at mawawala
Karununga'y malilimot ng unawa
Kung ang pag-ibig ay sa langit nagmula
Kay tibay pagka't Diyos ang nagpala.
Iniibig kita, higit sa 'king buhay
Minamahal kita, pag-ibig ko'y tunay
May pag-asa at tiwala na hindi magwawakas
Ganyang pag-ibig ang alay
Sa Diyos sabay nating alay
Mahal kita habang mayroong buhay.
Sadya bang dumarating ang tanging panahon
Ika'y punong-puno na, halos di na maka-ahon
Sa problema nating hinaharap na hindi mapatid-patid
Takbo ng utak mo ay lalo lang kumikitid
Chorus:
Pag-asa ba ang hanap mo? Pag-asa rin ang hanap ko
May pag-asa pa kayang makikita sa ating munting mundo?
Ang nais mo ay nais ko, kapayapaan ang ginugusto
Meron pa kaya nitong natitira sa isip ng tao
Isipin mo pa kaya ang nagdaang mga taon
Mapapagod ka lang, mabuti pang h'wag nang lumingon
Sasayangin mo lang ang panahon na laan ng Panginoon
Kalimutan ang nakaraan, harapin ang nakalaan
Chorus 2:
Pag-asa ba ang hanap mo, kay Hesus lang matatamo
Pangako N'yang tunay sa krus, ito'y Kanyang inialay
Simple lang ang hanap mo, hayaan Siyang maghari sa'yo
Dito matatagpuan ang kaytagal mo nang hinahanap
Pag-asa ba ang hanap mo, kay Hesus lang matatamo
Pangako N'yang tunay sa krus, ito'y Kanyang inialay
Simple lang ang hanap mo, hayaan Siyang maghari sa'yo
Dito matatagpuan ang kaytagal-tagal mo nang hinahanap
Ang pag-ibig ko'y inaalay Sayo
O Dios,
Panginoon ng aking buhay
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo
(ulitin)
Salamat Panginoon
Tunay Kang tapat, wala Kang katulad
Dakila Ka
Ang pag-ibig ko'y inaalay Sayo
O Dios, Panginoon ng aking buhay
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo (ulitin)
Kahit kailan, kahit saan
Pupurihin, mamahalin Kita
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo
Ang pag-ibig ko'y inaalay Sayo o Dios,
Panginoon ng aking buhay
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo
(ulitin)
Ang buhay ko'y Sayo
Ang buhay ko'y Sayo
Para sa akin, ikaw lamang
Ang tunay kong pag-ibig aking giliw
Sa 'king dalangin isinasamo
Na sana ika'y akin nang makapiling
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Chorus:
At sa'yong pagbabalik dambana'y naghihintay
Upang tayo'y mag-ugnay, hirang
At itong paghihintay, pangarap makakamit
Natatanging sandali natin
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Lagi
At kung mangyaring tayo'y nagsasama na
Pag-asang iningatan nya sa ti'y nagbunga na
O anong ligaya ang madarama
Pag-ibig nati'y pinagtagpo Niya
Chorus:
At sa'yong pagbabalik dambana'y naghihintay
Upang tayo'y mag-ugnay, hirang
At itong paghihintay, pangarap makakamit
Natatanging sandali natin
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Lagi
Minsan lang tayo magkita at ako'y nag-aalala
Puso ko ay kakaba-kaba at nakatulala
Sa Diyos mananalig hanggang wakas kasama kita
Hwag kang mag-aalala, pagkat ako'y nandirito lang
Pangarap natin ay iingatan kasama ang Maykapal
'Di mapaparam pag-ibig na sayo'y laan
Chorus:
Tayong dalwa'y nagsumpaan sa harap ng ating Maykapal
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Ating sundan ang sinimulan nang tayo ay mag-ibigan
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Huwag nang mag-alala, pagkat ang Diyos ang may akda
Tayong dal'wa ay pag-isahin, hanggang Siya ay dumating
Ikaw at ako, hanggang wakas ikaw pa rin
Chorus:
Tayong dalwa'y nagsumpaan sa harap ng ating Maykapal
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Ating sundan ang sinimulan nang tayo ay mag-ibigan
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Kailanpaman
Huwag mo sanang isiping di Kita natatanaw
Huwag mo sanang isipin iniwanan na Kita
Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw
At Aking nalalaman ang iyong pagdurusa
Huwag mo sanang isipin hindi Kita naririnig
Ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing
Di mo ba nalalaman na Kita'y iniibig
Bawat patak ng 'yong luha ay Aking nababatid
Huwag mo sanang isipin nalimutan na Kita
Dahil ang 'yong pangalan, sa palad Ko'y sinulat na
Kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap
Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko sa krus para sa'yo
Kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap
Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko sa krus para sa'yo
Huwag mo sanang isiping hindi Kita minamahal
Ang katotohanan, Kita'y minamahal
Buhay ko’y may kaguluhan
Ang landas walang patutunguhan
Kaibigan ano kaya ang kahahantungan?
Ngunit salamat ako’y natagpuan
Binigyan Niya ng kapayapaan
Tanging kay Jesus mayroong tagumpay.
Chorus:
Siya ang aking patnubay
Siya ang aking gabay
Siya sa aki’y nagbigay buhay
Si Jesus ang katotothanan
Si Jesus ang daan
Siya ang tanging Panginoon magpakailanpaman.
At ngayon sa aking buhay
Sa tuwina Siya’y nagbabantay
Ang pag-ibig Niya’y tunay na walang kapantay
Hinging-hindi na ako mangangamba
Si Jesus laging kasama
Siya ay akin at ako’y sa Kanya.
Araw ko'y papanglaw kung di ka matatanaw
Kahit saglit man lang
Ika'y masilayan
Sa 'yo nga'y naghihintay, sa pag-big mo hihimlay
Diyos ang Siyang pinagmulan
ating pagmamahalan.
Chorus:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan.
Hindi ako mapapagal, di malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal.
Puso'y h'wag mangangamba, pagkat wala na ngang iba,
At ako'y nakapako na sa'yo lamang, aking sinta
Nais kong malaman mo, hindi ako mahihiyang
Ipagsigawan sa mundong
Mahal na mahal kita.
Chorus:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan.
Hindi ako mapapagal, di malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal.