HARANA SA HARI ALBUM (Musikatha)

Lyrics and chords from Musikatha Website

TUNAY NA PAGMAMAHAL (Butch Charvet)

Kung sakali mang hindi ko makamtan
Ang nais ng puso ko
Nais kong malaman Mo
Nais kong sabihin ito sa’Yo

At kung ako’y bigo, hindi itatago
Yaring damdamin ko
Pagkat Ikaw ang pahingahan ko
Sumbungan ng puso kong ito

Sa’Yo ko natagpuan ang hanap ko sa buhay
Sa’Yo ko nadama ang tunay
Tunay na pagmamahal

Kapag puso’y tigib na
At wala nang maaasahan
Pagdamay Mo’y laging laan
Ikaw ang aking kaybigan
Kaybiga—an…

BATUHAN (Butch Charvet)


Chorus:
Sinong walang kasalanan, malinis ang kalooban?
Siyang unang bumato, batuhin ang kapwa nyo
Oooh, ooooh

Larawan mo ang nais mong makita sa'kin
Huwag mo naman akong pilitin at sisihin
Diyos na may likha, Diyos na may gawa
Diyos na may akda ng buhay natin
'Di naninisi, 'di nanlilisik
Mata Niya'y puno ng pag-ibig

Chorus:
Sinong walang kasalanan, malinis ang kalooban?
Siyang unang bumato, batuhin ang kapwa nyo
Oooh, ooooh

Hindi ako nangungutya, ngunit wala akong magagawa
Diyos na may likha, Diyos na may gawa
Diyos na may akda ng buhay natin
'Di naninisi, 'di nanlilisik
Mata Niya'y puno ng pag-ibig

Larawan mo ang nais mong makita sa'kin
Huwag mo naman akong pilitin at sisihin
Bat di magmahalan, 'di mag-galangan, tuloy matulungan
Turuan ay iwasan, tayo'y magunawaan
Tungo sa tunay na kabanalan

Chorus:
Sinong walang kasalanan, malinis ang kalooban?
Siyang unang bumato, batuhin ang kapwa nyo
Oooh, ooooh

Sinong walang kasalanan
Larawan mo ang nais mong makita sa'kin
Huwag mo naman akong pilitin at sisihin

BUHAY KRISTIYANO'Y DI HALLELUYA LANG (Butch Charvet)

Pusong ligaw, isipan ay nagagalak
wala nang dati niyang tuwa, kawawa
Nakalulungkot kung siya'y inyong pagmamasdan
Ngunit maraming ganito sa ating lipunan

Sisisihin ang ating pamahalaan sa ganitong kalagayan
Ngunit anong ginagawa ng simbahan
Tayo'y ba'y tumutulong, o taga-puna lang?

Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita

Ano nang ginawa ng ating Panginoon
Sa mga nagdarahop, siyang tugon
Sa kanilang mga pangangailangan
Abot ng kanyang tulong, sa magdamag maghapon

Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita

Problema minsan sati'y sa malayo nakatingin
ibang bansa gustong
Hindi naman masama kung ating tong gagawin
Ngunit sana naman, unahin ang bansa natin

Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita


ALAY SA PAGSAMBA (Rommel Guevarra)

Lahat ng papuri, pagluwalhati
Alay sa Inyo, O Diyos
Ang aming Puso at aming buhay
Alay sa pagsamba.
(Repeat)

Alay sa pagsamba
Alay sa pagsamba.

WALANG HANGGANAN (Papuri Singers)


Performed by: Bebo Saavedra and Eunice Saldana
Album:  Papuri XVI

BILANGIN MO MAN ANG BITUIN (Butch Charvet)


PATULOY NA MAGLILINGKOD (Butch Charvet)

Di ko man makita ang kagandahan ng buhay ko
Dito sa ibabaw ng mundong magulo
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba

Kabiguan man lahat ng aking pangarap
Mahal ko sa buhay sa aki'y mawalay
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba

Chorus:
Pagkat aking alam darating ang isang araw
Pangarap ko'y matutupad
Walang sinumang hahadlang
Ito'y sadyang ibinigay ni Hesus sa akin
Walang hanggang kasiyahan doon sa kalangitan
At 'di pangarap lang

Sabihin man nilang ako'y isang panatiko
At pagtawanan nang dahil kay Hesu-Kristo
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba

Chorus:
Pagkat aking alam darating ang isang araw
Pangarap ko'y matutupad
Walang sinumang hahadlang
Ito'y sadyang ibinigay ni Hesus sa akin
Walang hanggang kasiyahan doon sa kalangitan
At 'di pangarap lang


KARAPAT-DAPAT (Butch Charvet)

Karapat-dapat Ka ngang sambahin
Karapat-dapat Ka ngang purihin
Ang 'Yong kabanalan ang Iyong katangian

Sa 'Yong pangalan lahat luluhod
Sa 'Yong pangalan may kagalingan
Sa 'Yong pangalan mayrong kaligtasan
Ikaw si Hesus ang manunubos

Chorus:
Sa 'Yong pangalan kami'y mananahan
Kahit na mundo'y puno ng kabiguan
Paligid man nami'y di na munawaan
Hesus Ikaw ay patuloy na papupurihan

Hesus Ikaw ang aming liwanag
Sa aming daraanang di maaninag
Matisod man kami sa aming daraanan

Sa 'Yong pangalan lahat luluhod
Sa 'Yong pangalan may kagalingan
Sa 'Yong pangalan mayrong kaligtasan
Ikaw si Hesus ang manunubos

Chorus:
Sa 'Yong pangalan kami'y mananahan
Kahit na mundo'y puno ng kabiguan
Paligid man nami'y di na munawaan
Hesus Ikaw ay patuloy na papupurihan
Hesus Ikaw ay patuloy na papupurihan

AKING KAIBIGAN (Ricky Sanchez)

Aking kaibigan, dinggin ang awit
Paalaala ang inihahatid
Ang Diyos ay nasa 'yo,  patnubay mong tunay.

Alalahanin, mahal ka sa 'kin
Sa bawat araw laging dalangin
Na pagpalain ka ng Diyos sa tuwina
Dahil sa mahal ka Niya.

Chorus:
At kung ikaw'y hindi kapiling
Kasama ka sa 'king dalangin
Kahit ako'y di na naaalala pa
Huwag lang si Cristo ang limutin mo

ANG PAG-IBIG NATIN (Papuri Singers)

Ang pag-ibig natin tulad ng mumunting hangarin
Hirap at dalangin, sana’y marating
Tulad ng dalampasigan, alon nya’y haharapin

Ang pag-ibig natin may himig kaygandang awitin
Pagsaluhan natin, kaygandang damhin
Titik nito’y ako’t ikaw rin, habang buhay kakantahin

Chorus:
At narito, magaganap sa araw na ‘to
Pangarap natin, pag-ibig ay mabubuklod
Ang pag-ibig mo at ang pag-ibig ko
Sa kamay ng Diyos kaygandang ating ihandog

(Repeat verse 2 and chorus)

Bridge:
Matutupad sa atin ang dakilang layunin ng Diyos
Iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina
Lilisanin ng babae ang sarili nyang tahanan
(Repeat chorus)

Album: Kasalan

NAGAGALAK, NAGSASAYA (Papuri Singers)

Nagagalak, nagsasaya ang buong mundo
Mga nagmamahal sa inyo
Di ba’t kailan lang kayong dalawa ay nagtagpo
Isang hiwaga ngayon nga pasisimulan ninyo

Ang isang panibagong hakbangin
Kalakip ang aming dalangin
Maaasahan ang twina naming paglingap
Tutulungan, ano pa man ang inyong makaharap

Nagagalak, nagsasaya, nagbubunyi ang buong sandaigdigan
Ipinagdiriwang ang inyong pagmamahalan
Tanggapin ninyo, asahan ninyo sa pagdaan ng panahon
Pag-ibig namin at ang pagkalinga ng ating Panginoon

Nagagalak, ihahatid ng bulaklak
Sa landas na ngang inyong tinatahak
Nag-uumapaw ang saya sa’ming puso
Nagdarasal sa Maykapal - patnubayan Nya kayo

composed by Arnel De Pano
album: Kasalan

AGOS NG PANAHON (Butch Charvet)


Ikaw at ako sa agos ng panahon
Ba’t di mo tingnan o hayaan na lang
Sinong nagbibigay ng ating saya
Mundo ba’y mahalaga higit sa ‘ting dal’wa

Chorus:
Sabihin mang di bagay agwat natin sa buhay
Sinong pipigil kung Diyos ang may laan
Ano pa bang kailangan patunayan sa 'ting buhay
Bakit titigil kung ito’y laan

O ang pag-ibig sadyang iniaalay
Sayo itinatangi katumbas ng iyong buhay
Ikaw at ako sa agos ng panahon
Nasa palad nya ang buhay nating sinta

Bridge:
Tayo na mahal, damhin ang saya
Puso ay may laya na

Chorus:
Sabihin mang di bagay agwat natin sa buhay
Sinong pipigil kung Diyos ang may laan
Ano pa bang kailangan patunayan sa 'ting buhay
Bakit titigil kung ito’y laan

PAG-IBIG MO’Y DI MASUKAT (Butch Charvet)

Sa lahat ng panahon Ikaw ay tapat
Di mo hahayaang araw di sumikat
Patak ng ulan, di malilimutan
Sa mga halaman at lupang tigang

Higit sa lahat, sa’yong mga anak
Sa mga biyaya Mo, tunay Kang sapat
Handa Kang lagi sa lahat ng oras
Ang ‘Yong mga palad laging bukas

 Chorus:
Oh Hesus, tunay Ka ngang tapat
Pag-ibig Mo’y di masukat
Natatangi Ka, natatanging walang katulad
Katapatan Mo’y di kukupas
Pangako Mo’y di lilipas
Mananatili, mananatili hanggang wakas

Tulad ng samyo, ihip ng hangin
Nadarama kong Ika’y laging kapiling
O Panginoon, kay sarap isiping
Ang pag-ibig Mo’y hindi magmamaliw

 Chorus:
Oh Hesus, tunay Ka ngang tapat
Pag-ibig Mo’y di masukat
Natatangi Ka, natatanging walang katulad
Katapatan Mo’y di kukupas
Pangako Mo’y di lilipas
Mananatili, mananatili hanggang wakas…

PAG-IBIG (Papuri Singers)

Ginto man ang binibigkas kong salita
Maging anghel sa tinig ko ma'y humanga
Batid ko man lihim ng bawat hiwaga
Sayang kung pag-ibig ay wala.

Handog ko man lahat nitong angking yaman
Kahit bawat dukha'y aking pamarisan
Ialay ma't sunugin itong katawan
Walang saysay kung 'di rin nagmahal.

Tunay ang pag-ibig Kung may pagtitiis
Di nagmamapuri, banal at kay linis
May pag-asa at tiwala na hindi magwawakas
Ganyang pag-ibig ang alay sa 'yo.

Kagandaha'y lilipas at mawawala
Karununga'y malilimot ng unawa
Kung ang pag-ibig ay sa langit nagmula
Kay tibay pagka't Diyos ang nagpala.

Iniibig kita, higit sa 'king buhay
Minamahal kita, pag-ibig ko'y tunay
May pag-asa at tiwala na hindi magwawakas
Ganyang pag-ibig ang alay
Sa Diyos sabay nating alay
Mahal kita habang mayroong buhay.


PUPURIHIN KA SA AWIT ALBUM (Musikatha)

Lyrics and chords from Musikatha Website

PAG-ASA MO, PAG-ASA KO (Butch Charvet)

Sadya bang dumarating ang tanging panahon
Ika'y punong-puno na, halos di na maka-ahon
Sa problema nating hinaharap na hindi mapatid-patid
Takbo ng utak mo ay lalo lang kumikitid

Chorus:
Pag-asa ba ang hanap mo? Pag-asa rin ang hanap ko
May pag-asa pa kayang makikita sa ating munting mundo?
Ang nais mo ay nais ko, kapayapaan ang ginugusto
Meron pa kaya nitong natitira sa isip ng tao

Isipin mo pa kaya ang nagdaang mga taon
Mapapagod ka lang, mabuti pang h'wag nang lumingon
Sasayangin mo lang ang panahon na laan ng Panginoon
Kalimutan ang nakaraan, harapin ang nakalaan

Chorus 2:
Pag-asa ba ang hanap mo, kay Hesus lang matatamo
Pangako N'yang tunay sa krus, ito'y Kanyang inialay
Simple lang ang hanap mo, hayaan Siyang maghari sa'yo
Dito matatagpuan ang kaytagal mo nang hinahanap

Pag-asa ba ang hanap mo, kay Hesus lang matatamo
Pangako N'yang tunay sa krus, ito'y Kanyang inialay
Simple lang ang hanap mo, hayaan Siyang maghari sa'yo
Dito matatagpuan ang kaytagal-tagal mo nang hinahanap


ANG PAG-IBIG KO (Rommel Guevarra)

Ang pag-ibig ko'y inaalay Sayo
O Dios, Panginoon ng aking buhay
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo (ulitin)

Salamat Panginoon
Tunay Kang tapat, wala Kang katulad
Dakila Ka

Ang pag-ibig ko'y inaalay Sayo
O Dios, Panginoon ng aking buhay
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo (ulitin)

Kahit kailan, kahit saan
Pupurihin, mamahalin Kita

Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo
Ang pag-ibig ko'y inaalay Sayo o Dios,
Panginoon ng aking buhay
Tanging Sayo lamang aking pagmamahal
Panginoon ang buhay ko'y Sayo (ulitin)
Ang buhay ko'y Sayo
Ang buhay ko'y Sayo

BANTA (Butch Charvet)


No’ng unang panahon sa aklat ng cronica
Matatagpuan isang hari ng Juda
May takot sa puso gaya ng sinuman
Ngunit walang pag-aalinlangan

Siya’y lumuhod tumawag kay Yahweh
Kanyang idinulog ang kalaban niyang kay dami
Diyos ay tumugon at sa kaniya’y sinabi
Josafat ‘wag kang matakot

Sila’y nag-ayuno sabay na nagpupuri
Lahat ay sama-sama pati na ang hari
Patnubay ni Yahweh sa kanila’y namalagi
Dahil sa panalangin banta ay napawi

Chorus:
Gising na bayan tayo’y magkaisa
Oras na laan ‘wag nang sayangin pa
Magpakatatag at manalangin na
Kay Hesus na siyang tanging pag-asa 

Banta sa ating bayan ating nalalaman
Kahit ang iba’y nagbubulag-bulagan 
‘Di mo maitatatwa ang katotohanan
Isang araw ay wala ng kalayaan

 Kawawang bansa kung si Hesus ‘di maghahari
Walang patutunguhan tiyak na masasawi
Ating inang bayan walang pasubali
Kukunin ng kaaway sila’y magwawagi

LAGI (Butch Charvet)

Para sa akin, ikaw lamang
Ang tunay kong pag-ibig aking giliw
Sa 'king dalangin isinasamo
Na sana ika'y akin nang makapiling

Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo

Chorus:
At sa'yong pagbabalik dambana'y naghihintay
Upang tayo'y mag-ugnay, hirang
At itong paghihintay, pangarap makakamit
Natatanging sandali natin
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Lagi

At kung mangyaring tayo'y nagsasama na
Pag-asang iningatan nya sa ti'y nagbunga na
O anong ligaya ang madarama
Pag-ibig nati'y pinagtagpo Niya

Chorus:
At sa'yong pagbabalik dambana'y naghihintay
Upang tayo'y mag-ugnay, hirang
At itong paghihintay, pangarap makakamit
Natatanging sandali natin
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Lagi

MAHAL NA MAHAL (Rommel Guevarra)

Mahal na mahal kita, Panginoon
Mahal na mahal kita, Panginoon
Mahal na mahal kita, Panginoon
(ulitin3x)

Salamat Panginoon
Salamat sa pagibig Mo
Salamat Panginoon
Salamat,O Diyos

Mahal na mahal kita, Panginoon
Mahal na mahal kita, Panginoon
Mahal na mahal kita, Panginoon
(ulitin3x)

Salamat Panginoon
Salamat sa pagibig Mo
Salamat PAnginoon
Salamat,O Diyos

Mahal na mahal kita, Panginoon
Mahal na mahal kita, Panginoon
Mahal na mahal kita, Panginoon
(ulitin3x)

SA HIRAP O KAGINHAWAHAN (Butch Charvet)

Minsan lang tayo magkita at ako'y nag-aalala
Puso ko ay kakaba-kaba at nakatulala
Sa Diyos mananalig hanggang wakas kasama kita

Hwag kang mag-aalala, pagkat ako'y nandirito lang
Pangarap natin ay iingatan kasama ang Maykapal
'Di mapaparam pag-ibig na sayo'y laan

Chorus:
Tayong dalwa'y nagsumpaan sa harap ng ating Maykapal
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Ating sundan ang sinimulan nang tayo ay mag-ibigan
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan

Huwag nang mag-alala, pagkat ang Diyos ang may akda
Tayong dal'wa ay pag-isahin, hanggang Siya ay dumating
Ikaw at ako, hanggang wakas ikaw pa rin

Chorus:
Tayong dalwa'y nagsumpaan sa harap ng ating Maykapal
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Ating sundan ang sinimulan nang tayo ay mag-ibigan
Sa hirap o kaginhawahan, tayo'y magdadamayan
Kailanpaman

SALAMAT, PANGINOON (Malayang Pilipino)

Salamat, Panginoon
Ang puso ko ay nagdiriwang
Dinggin mo ang himig at awit ng pagsamba
Alay sa'Yo, alay sa'Yo

Chorus:
Ako'y nagpupuri sa banal Mong tahanan
Ang 'Yong kagandahan ay aking ihahayag
Luwalhatiin Ka, itataas Kita

Sa bawat pangako Mo, buong pusong nagtitiwala
Kaylanma'y hindi na muling mangangamba
Pagkat ako'y sa'Yo, para lang sa'Yo

IKAW LAMANG (Rommel Guevarra)

O Diyos sa kabutihan Mo
Ako'y naririto upang magpuri Sa Iyo
O Dios sa kabanalan Mo
Malulugod ako
Buhay ay iniaalay ko

Chorus:
Ikaw lamang ang nagtiwala sa akin
O Dios di kita bibiguin
Magtatapat Sayo, maglilingkod ako
O Dios kay buti Mo.

HUWAG MO SANANG ISIPIN (Ricky Sanchez/Papuri Singers)

Huwag mo sanang isiping di Kita natatanaw
Huwag mo sanang isipin iniwanan na Kita
Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw
At Aking nalalaman ang iyong pagdurusa

Huwag mo sanang isipin hindi Kita naririnig
Ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing
Di mo ba nalalaman na Kita'y iniibig
Bawat patak ng 'yong luha ay Aking nababatid

Huwag mo sanang isipin nalimutan na Kita
Dahil ang 'yong pangalan, sa palad Ko'y sinulat na
Kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap

Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko sa krus para sa'yo

Kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap

Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko sa krus para sa'yo

Huwag mo sanang isiping hindi Kita minamahal
Ang katotohanan, Kita'y minamahal

NAPAKABUTI MO (Rommel Guevarra)


Napakabuti Mo aking Dios Ama
Iyong likha, luluwalhatiin Ka
Napakabuti Mo, di ka nagbabago
Noon, ngayon, kailan pa man
Sa buhay ko'y tapat

Dios na napakabuti, Sayo ako'y lumalapit
Walang kapantay, pag-ibig Mong tunay
Karangalan at papuri Sayo lamang lahat

Napakabuti Mo aking Dios Ama
Iyong likha, luluwalhatiin Ka
Napakabuti Mo, di ka nagbabago
Noon, ngayon, kailan pa man sa buhay ko'y tapat

Ikaw ang Panginoon ko, Hari ng aking puso
Tanging sa piling Mo ang kagalakan ko
Kapag kasama Mo o Dios lubos ang ligaya

Napakabuti Mo aking Dios Ama
Iyong likha, luluwalhatiin Ka
Napakabuti Mo, di ka nagbabago
Noon, ngayon, kailan pa man sa buhay ko'y tapat

SIYA (Papuri Singers)


Buhay ko’y may kaguluhan
Ang landas walang patutunguhan
Kaibigan ano kaya ang kahahantungan?
Ngunit salamat ako’y natagpuan
Binigyan Niya ng kapayapaan
Tanging kay Jesus mayroong tagumpay. 

Chorus:
Siya ang aking patnubay
Siya ang aking gabay
Siya sa aki’y nagbigay buhay
Si Jesus ang katotothanan
Si Jesus ang daan
Siya ang tanging Panginoon magpakailanpaman.

At ngayon sa aking buhay
Sa tuwina Siya’y nagbabantay
Ang pag-ibig Niya’y tunay na walang kapantay
Hinging-hindi na ako mangangamba
Si Jesus laging kasama
Siya ay akin at ako’y sa Kanya.

HINAHANAP KO (Malayang Pilipino)

Ang umawit at magpuri sa 'Yo
Aking tugon sa pag-ibig Mo
Langit at lupa Sa'Yo'y sasamba
O Diyos purihin Ka
Dakila Kang talaga

Chorus:
Ikaw ang hinahanap ko
Sa buhay kong ito
Pag wala Ka ay di makuntento
Tuwing sumasamba sa 'Yo
Sagad-sagaran ang kasiyahang
Tunay na nadarama ko

Ang banal na tahanan Mo
Ang hinahanap ng puso ko
Kaligayahang di kayang bilhin
Sa 'Yo ko lang nadama
Ako'y malaya na


Album: I Choose to Worship

AWIT KAY KLEYR (Butch Charvet)

Araw ko'y papanglaw kung di ka matatanaw
Kahit saglit man lang Ika'y masilayan
Sa 'yo nga'y naghihintay, sa pag-big mo hihimlay
Diyos ang Siyang pinagmulan ating pagmamahalan.

Chorus:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan.
Hindi ako mapapagal, di malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal.

Puso'y h'wag mangangamba, pagkat wala na ngang iba,
At ako'y nakapako na sa'yo lamang, aking sinta
Nais kong malaman mo, hindi ako mahihiyang
Ipagsigawan sa mundong Mahal na mahal kita.

Chorus:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan.
Hindi ako mapapagal, di malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal.

KAYGANDA NG ARAW (Rommel Guevarra)


Kayganda ng araw na gawa ng ating Diyos
Kay sarap lasapin kabutihan Niya

Purihin, sambahin, dakilain

Chorus:
Hallelujah, Hallelujah
Hallelujah, Hallelujah
Hallelujah, Hallelujah