PAG-ASA MO, PAG-ASA KO (Butch Charvet)

Sadya bang dumarating ang tanging panahon
Ika'y punong-puno na, halos di na maka-ahon
Sa problema nating hinaharap na hindi mapatid-patid
Takbo ng utak mo ay lalo lang kumikitid

Chorus:
Pag-asa ba ang hanap mo? Pag-asa rin ang hanap ko
May pag-asa pa kayang makikita sa ating munting mundo?
Ang nais mo ay nais ko, kapayapaan ang ginugusto
Meron pa kaya nitong natitira sa isip ng tao

Isipin mo pa kaya ang nagdaang mga taon
Mapapagod ka lang, mabuti pang h'wag nang lumingon
Sasayangin mo lang ang panahon na laan ng Panginoon
Kalimutan ang nakaraan, harapin ang nakalaan

Chorus 2:
Pag-asa ba ang hanap mo, kay Hesus lang matatamo
Pangako N'yang tunay sa krus, ito'y Kanyang inialay
Simple lang ang hanap mo, hayaan Siyang maghari sa'yo
Dito matatagpuan ang kaytagal mo nang hinahanap

Pag-asa ba ang hanap mo, kay Hesus lang matatamo
Pangako N'yang tunay sa krus, ito'y Kanyang inialay
Simple lang ang hanap mo, hayaan Siyang maghari sa'yo
Dito matatagpuan ang kaytagal-tagal mo nang hinahanap


5 comments:

  1. Good niche and nice blog bro. good bless you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for your encouraging comment, brother. God bless you also.

      Delete
  2. This song always motivates me when I was young.. 90s if i am not mistaken. even in a simple trouble, this song makes me encouraged, lalo n kpg totoong trouble na. God bless us all💖

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dito ko lang matatagpuan ang kaytagal tagal ko nang hinahanap ang tunay na pag asa at kaligtasan sa araw araw.

      Delete
  3. Kay Jesus lng Natin matatagpuan ang pag asa.

    ReplyDelete