BUHAY KRISTIYANO'Y DI HALLELUYA LANG (Butch Charvet)

Pusong ligaw, isipan ay nagagalak
wala nang dati niyang tuwa, kawawa
Nakalulungkot kung siya'y inyong pagmamasdan
Ngunit maraming ganito sa ating lipunan

Sisisihin ang ating pamahalaan sa ganitong kalagayan
Ngunit anong ginagawa ng simbahan
Tayo'y ba'y tumutulong, o taga-puna lang?

Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita

Ano nang ginawa ng ating Panginoon
Sa mga nagdarahop, siyang tugon
Sa kanilang mga pangangailangan
Abot ng kanyang tulong, sa magdamag maghapon

Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita

Problema minsan sati'y sa malayo nakatingin
ibang bansa gustong
Hindi naman masama kung ating tong gagawin
Ngunit sana naman, unahin ang bansa natin

Chorus:
Buhay Kristiyano'y 'di "halleluya" lang
Maging bahagi ka ng pagtulong sa lipunan
Panalangin ay tama din tama din naman
Lalo na't may gawa at di lang sa salita


No comments:

Post a Comment