NAGAGALAK, NAGSASAYA (Papuri Singers)

Nagagalak, nagsasaya ang buong mundo
Mga nagmamahal sa inyo
Di ba’t kailan lang kayong dalawa ay nagtagpo
Isang hiwaga ngayon nga pasisimulan ninyo

Ang isang panibagong hakbangin
Kalakip ang aming dalangin
Maaasahan ang twina naming paglingap
Tutulungan, ano pa man ang inyong makaharap

Nagagalak, nagsasaya, nagbubunyi ang buong sandaigdigan
Ipinagdiriwang ang inyong pagmamahalan
Tanggapin ninyo, asahan ninyo sa pagdaan ng panahon
Pag-ibig namin at ang pagkalinga ng ating Panginoon

Nagagalak, ihahatid ng bulaklak
Sa landas na ngang inyong tinatahak
Nag-uumapaw ang saya sa’ming puso
Nagdarasal sa Maykapal - patnubayan Nya kayo

composed by Arnel De Pano
album: Kasalan

No comments:

Post a Comment