TUNAY NA PAGMAMAHAL (Butch Charvet)

Kung sakali mang hindi ko makamtan
Ang nais ng puso ko
Nais kong malaman Mo
Nais kong sabihin ito sa’Yo

At kung ako’y bigo, hindi itatago
Yaring damdamin ko
Pagkat Ikaw ang pahingahan ko
Sumbungan ng puso kong ito

Sa’Yo ko natagpuan ang hanap ko sa buhay
Sa’Yo ko nadama ang tunay
Tunay na pagmamahal

Kapag puso’y tigib na
At wala nang maaasahan
Pagdamay Mo’y laging laan
Ikaw ang aking kaybigan
Kaybiga—an…

1 comment: