PATULOY NA MAGLILINGKOD (Butch Charvet)

Di ko man makita ang kagandahan ng buhay ko
Dito sa ibabaw ng mundong magulo
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba

Kabiguan man lahat ng aking pangarap
Mahal ko sa buhay sa aki'y mawalay
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba

Chorus:
Pagkat aking alam darating ang isang araw
Pangarap ko'y matutupad
Walang sinumang hahadlang
Ito'y sadyang ibinigay ni Hesus sa akin
Walang hanggang kasiyahan doon sa kalangitan
At 'di pangarap lang

Sabihin man nilang ako'y isang panatiko
At pagtawanan nang dahil kay Hesu-Kristo
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Kanya
At kailanma'y di ako mangangamba

Chorus:
Pagkat aking alam darating ang isang araw
Pangarap ko'y matutupad
Walang sinumang hahadlang
Ito'y sadyang ibinigay ni Hesus sa akin
Walang hanggang kasiyahan doon sa kalangitan
At 'di pangarap lang


No comments:

Post a Comment