BANTA (Butch Charvet)


No’ng unang panahon sa aklat ng cronica
Matatagpuan isang hari ng Juda
May takot sa puso gaya ng sinuman
Ngunit walang pag-aalinlangan

Siya’y lumuhod tumawag kay Yahweh
Kanyang idinulog ang kalaban niyang kay dami
Diyos ay tumugon at sa kaniya’y sinabi
Josafat ‘wag kang matakot

Sila’y nag-ayuno sabay na nagpupuri
Lahat ay sama-sama pati na ang hari
Patnubay ni Yahweh sa kanila’y namalagi
Dahil sa panalangin banta ay napawi

Chorus:
Gising na bayan tayo’y magkaisa
Oras na laan ‘wag nang sayangin pa
Magpakatatag at manalangin na
Kay Hesus na siyang tanging pag-asa 

Banta sa ating bayan ating nalalaman
Kahit ang iba’y nagbubulag-bulagan 
‘Di mo maitatatwa ang katotohanan
Isang araw ay wala ng kalayaan

 Kawawang bansa kung si Hesus ‘di maghahari
Walang patutunguhan tiyak na masasawi
Ating inang bayan walang pasubali
Kukunin ng kaaway sila’y magwawagi

No comments:

Post a Comment