LAGI (Butch Charvet)

Para sa akin, ikaw lamang
Ang tunay kong pag-ibig aking giliw
Sa 'king dalangin isinasamo
Na sana ika'y akin nang makapiling

Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo

Chorus:
At sa'yong pagbabalik dambana'y naghihintay
Upang tayo'y mag-ugnay, hirang
At itong paghihintay, pangarap makakamit
Natatanging sandali natin
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Lagi

At kung mangyaring tayo'y nagsasama na
Pag-asang iningatan nya sa ti'y nagbunga na
O anong ligaya ang madarama
Pag-ibig nati'y pinagtagpo Niya

Chorus:
At sa'yong pagbabalik dambana'y naghihintay
Upang tayo'y mag-ugnay, hirang
At itong paghihintay, pangarap makakamit
Natatanging sandali natin
Ako'y maghihintay
Maghihintay sa'yo
Lagi

No comments:

Post a Comment