PAG-IBIG MO’Y DI MASUKAT (Butch Charvet)

Sa lahat ng panahon Ikaw ay tapat
Di mo hahayaang araw di sumikat
Patak ng ulan, di malilimutan
Sa mga halaman at lupang tigang

Higit sa lahat, sa’yong mga anak
Sa mga biyaya Mo, tunay Kang sapat
Handa Kang lagi sa lahat ng oras
Ang ‘Yong mga palad laging bukas

 Chorus:
Oh Hesus, tunay Ka ngang tapat
Pag-ibig Mo’y di masukat
Natatangi Ka, natatanging walang katulad
Katapatan Mo’y di kukupas
Pangako Mo’y di lilipas
Mananatili, mananatili hanggang wakas

Tulad ng samyo, ihip ng hangin
Nadarama kong Ika’y laging kapiling
O Panginoon, kay sarap isiping
Ang pag-ibig Mo’y hindi magmamaliw

 Chorus:
Oh Hesus, tunay Ka ngang tapat
Pag-ibig Mo’y di masukat
Natatangi Ka, natatanging walang katulad
Katapatan Mo’y di kukupas
Pangako Mo’y di lilipas
Mananatili, mananatili hanggang wakas…

No comments:

Post a Comment